112

Jul 2, 2019 @ 14:04
By

Eliseo Rio balik sa pagiging DICT undersecretary

Bumalik sa pagiging undersecretary si dating Department of Information and Communications Technology (DICT) Officer-in-Charge Eliseo Rio matapos italaga ni Pangulong Rodrigo Duterte ang bagong kalihim sa katauhan ni dating senador Gregorio Honasan.

Batay sa inilabas na listahan ng bagong appointees ng Malacañang, July 1, 2019 ang petsa ng appointment ni Rio bilang DICT Undersecretary, kasabay ng appointment ni DICT secretary Gregorio Honasan.

Oktubre 2017 nang italaga si Rio bilang OIC ng DICT kapalit ni dating secretary Rodolfo Salalima na tinanggal ng Pangulo sa puwesto dahil sa reklamo ng umano’y pagpabor sa interes ng ilang higanteng telecommunications companies.

Bukod kay Rio ay hinirang din ng Pangulo sina Rodolfo Robles bilang permanent representative to the United Nations at Ricardo Morales bilang President and Chief Executive Officer ng Philippine Health Insurance Corporation.

Kasama rin sa mga bagong appointees sina Benedicto Malcontento bilang Prosecutor General ng National Prosecution Service at Bryan Vincent Uy bilang Assistant Secretary ng Presidential Communications Operations Office.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?