68

By

Elia Ilano nominado sa RAWR Awards 2018

Sharing is caring!

By NONIE V. NICASIO

Ang Kapamilya Child Star na si Elia Ilano, na gumanap bilang si Tamtam Tabayoyong sa katatapos lang na TV series na ‘Sana Dalawa ang Puso’ ng ABS-CBN, ang bagong celebrity endorser ng ‘Meet My Feet Footwear’.

Bukod sa bagong celebrity endorsement, isa rin siya sa mga nominado sa RAWR Awards 2018 ng Lionheartv sa Bibo Award.

Ayon kay Elia, isang napakalaking blessing ang muling dumating sa kanya at lubos siyang nagpapasalamat sa mga nagtitiwala.

“Sobrang saya ko po sa bagong blessings na ito kaya sobrang thankful po ako kay Papa God. Inspired po ako talaga at lalo kong pagbubutihin yung aking work,” sambit ni Elia.

Ang ‘Meet My Feet’ ay matatagpuan sa mga sumusunod na malls; Trinoma, Festival Mall, Fairview Terraces, Rustan’s Makati, Shangri-La Alabang, Robinson’s Department Store (Ermita, Malolos, Pampanga, SM Mall of Asia, SM Megamall at ang pinaka-bago nilang branch sa Alabang Town Center.

Maaari ring mamili online sa pamamagitan ng pag-send ng email sa orders.meetmyfeet@gmail.com

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?