704

By

Elevator sa Makati, nahulog mula 47th floor

Bumagsak mula ika-47 na palapag pabulusok mula ground floor ang service elevator sa PBCom Tower sa Ayala Avenue, Makati.

Nitong Biyernes ng umaga ay sumakay ang nasa 30 katao sa 52nd floor ng nasabing establisimiyento, nakaabot sa 47th floor bago dumausdos pababa.

Napuruhan ang 14 katao, karamihan ay empleyado mula Huawei Technology at call center agents.

Samantalang nagtamo naman ang 16 ng minor injury dahil sa pagbagsak.

Dinala ang mga sugatan sa Makati Medical Center at Ospital ng Maynila para malapatan ng lunas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?