46

May 4, 2019 @ 19:19
By

Elenita Binay naghain ng not guilty sa kasong graft

Nag-plead ng not guilty si dating Makati City Mayor Elenita Binay kaugnay sa maanomalyang pagbili ng medical equipment para sa Ospital ng Makati na nagkakahalaga ng P9.9 milyon.

Inihain ng misis ni dating vice president Jejomar Binay ang plea noong Mayo 3 sa Sandiganbayan 4th Division kung saan siya nahaharap sa mga kasong katiwalian at malversation.

Nag-ugat ang kaniyang mga kaso sa pagbili ng cryosurgical units with volumetric pressure pumps mula sa Apollo Medical Equipment and Supplies mula Disyembre 4, 2000 hanggang Marso 23, 2001.

Pero hindi umano ito dumaan sa required public bidding at hindi naideliber kahit pa nabayaran na.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?