7

Jun 10, 2021 @ 20:05
By

Elenita Binay absuwelto sa graft, malversation

Pinawalang-sala ng Sandiganbayan si dating Makati City Mayor Elenita Binay, asawa ni dating Vice President Jejomar Binay, sa mga kasong graft at malversation.

Kaugnay ang mga kaso niya sa diumano’y iregularidad sa pagbili ng P45 milyong halaga ng mga hospital equipment at supply para sa Ospital ng Makati noong 2001.

Kasamang naabsuwelto sina dating Head of the General Services Department Ernesto Aspillaga, City Accountant III Dulce Cruz at City Treasurer Luz Yamane-Garcia.

Samantala, napawalang-sala man sa kasong malversation, hinatulan sa dalawang kasong graft sina City Supply Officer II Conrado Pamintuan at Administrative Officer I Jaime delos Reyes.

Nasentensiyahan silang makulong ng anim hanggang walong taon at diskuwalipikado na sa public office.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?