86

By

Elementary student ginilitan habang naglalakad mag-isa

Arestado ang isang 14-anyos na lalaki matapos gilitan ang isang Grade 6 student nitong Miyerkoles.

Inamin ng suspek, na hindi na pinangalanan, na intensiyon niyang patayin ang biktima sa Hachinohe, Aomori Prefecture, Japan, ayon sa The Japan Times.

Nakumpiska ang iba’t ibang kutsilyo sa bahay ng suspek kabilang ang pinaniniwalaang ginamit niya sa pag-atake sa estudyante.

Sa kabutihang-palad ay nadala sa kalapit na ospital ang biktima matapos ang insidente noong Martes.

May malay ang biktima at nakakapagsalita.

Ayon sa mga pulis, inatake ng suspek mula sa likuran ang biktima saka ginilitan ang leeg habang naglalakad ito mag-isa pauwi ng kanilang bahay mula sa eskuwelahan dakong alas-4:40 ng hapon.

Nagawa pang makahingi ng tulong sa kanyang pamilya ang biktima habang agad tumakas ang suspek matapos ang insidente.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?