22

By

Eleksiyon ng LnB officials, itinakda sa Hulyo 30

Sharing is caring!

Matapos ang panunumpa ng mga bagong halal na opisyal ng barangay kay Pangulong Rodrigo Duterte, pinaalalahanan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga punong barangay (PB) na bumoto ng ‘reform-oriented’ na kandidato para sa eleksyon ng Liga ng mga Barangay (LnB) na nakatakda sa Hulyo 30, 2018.

Sinabi ni DILG OIC-Sec. Eduardo Año, kailangang ikonsidera ng mga PB sa paghalal ng mga opisyal ng liga ang kapasidad ng kandidato na maging kinatawan ng lahat at hindi dahil ito ay nais ng local chief executive.

“Sa ating mga kapitan na boboto ng kanilang lider ng LnB, piliin ninyo ang opisyal na maggigiya sa organisasyon tungo sa mas mahusay na pagganap ng tungkulin,” ani Año.

Sa direktiba ni Año, may nakahandang timeline ang DILG para sa mga aktibidad ng LnB simula Hunyo 25 hanggang sa liga eleksyon sa Hulyo 30.

Idinagdag din niya na ang probisyon ng Republic Act 10952 ay nagtatakda na isasagawa ang lokal LnB elections para sa ex-officion positions sa munisipyo, lungsod at lalawigan, hanay na hindi lalagpas sa Hulyo 31, sa ilalim ng superbisyon ng DILG.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?