176
Electrician sugatan matapos barilin sa Makati
Mar 17, 2019 @ 12:49
By

Electrician sugatan matapos barilin sa Makati

Sugatan ang isang lalaki matapos na barilin ng isang suspek na agad umanong nakatakas, ayon sa report ng mga pulis ngayong Linggo, March 17.

Kinilala ng Makati Police ang biktima na si Christopher Porlaje, 35-anyos, isang electrician sa Kabayan Hotel sa Pasay City at residente ng Sta. Cruz, Laguna.

Ayon sa tala ng kapulisan, hinihintay ng biktima ang kaniyang partner sa Kalayaan Avenue corner Palawan Street nang lapitan ito ng suspek at barilin dakong 8:35 ng gabi nitong Sabado, March 16.

Hindi pa nakikilala ng mga pulis ang naturang biktima at ang baril na ginamit nito ngunit naitala ng mga pulis na tumakas sa crime scene ang supek sakay ng Honda Wave motorcycle patungo sa northbound ng Edsa.

Samantala ginagamot naman sa Ospital ng Makati ang biktima na nagtamo ng sugat sa kanang kamay at kaliwang paa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?