30
views

By

Electrician pinatay sa lamayan

Sharing is caring!

Pinagbabaril hanggang sa mapatay ng hindi pa nakilalang lalaki ang isang electrician habang naglalaro ng cara y cruz sa isang lamayan sa Quezon City, nitong Huwebes ng gabi.

Namatay noon din sanhi ng tinamong maraming tama ng bala ng hindi pa batid na kalibre ng baril ang biktimang si Joseph Bilolo Rivera, binata, electrician, residente ng No. 13 Katarungan St., Brgy. Batasan Hills ng nasabing lungsod.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ni PO1 Christian Loyola ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) ng Quezon City Police District (QCPD), ang insidente ay naganap dakong alas-11:30 ng gabi (June 28) sa No. 12 Kalusugan St., Brgy Batasan, QC.

Sa salaysay sa pulisya ng nakasaksing si Louie Caracas, isa sa mga nakikipaglamay sa namatay na kapitbahay, naglalaro umano ng cara y cruz ang biktima sa labas nang sumulpot ang isang lalaki na armado ng baril.

Nang makita doon si Rivera ay nilapitan ito at doon ay malapitang pinaputukan ng baril subalit bagamat duguan ang biktima ay nakuha pa nitong tumakbo sa loob ng bahay subalit sinundan pa ito ng suspek at doon ay sunud-sunod na pinaputukan ng baril.

Ayon pa kay Caracas, siniguro pa ng suspek na patay na si Rivera bago ito tumakas dala ang armas na ginamit sa pamamaril.

Masusi namang iniimbestigahan ng pulisya ang motibo sa naganap na krimen upang makilala ang nakatakas na suspek na may taas na 5’6, large built, nakasuot ng ball cap, itim na jacket at maong na pantalon. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?