105
American national
By

Electrician patay sa pila sa Jollibee

Namatay ang isang electrician matapos mag-collapsed habang nakapila sa customers line ng Jollibee food chain sa Barangay E. Rodriguez, Quezon City, nitong Sabado ng hapon.

Kinilala ni P/Captain Juan B. Mortel, ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) ng Quezon City Police District (QCPD), ang biktima na si Henry Villabona Penolbo, 52-anyos, may-asawa, at residente ng No. 217 GMRC E. Dela Paz Streey, Brgy. Pleasant Hills, Mandaluyong City.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ni Master Sgt. Marvin P Masangkay ng CIDU-QCPD, naganap ang insidente sa loob ng Jollibee food chain na matatagpuan sa No. 67 Maya Arcade Building, Edsa North Bound corner Aurora Blvd. Brgy. E. Rodriguez,QC nitong Sabado (Hunyo 1) dakong 4: 45 ng hapon.

Abala umano si Aljon Cabadido manager ng Jollibee food chain sa pagsisilbi sa kanilang mga kostumer nang makita ang biktima na bigla na lang tumumba habang nakapila sa customers lane.

Agad namang inasistihan ang biktima ng mga crew ng nasabing food chain kasama ang isang nurse na kostumer din at binigyan ng first aide ang walang malay na biktima.

Matapos ay isinugod na rin ang biktima sa East Avenue Medical Center, subalit binawian din ito ng buhay dakong alas 6:08 ng gabi, ayon sa attending physician na si Dr. Edward John Frado.

Hinala ng pulisya, posibleng inatake at nahirapan huminga ang biktima kaya nag-collapsed ito at tuluyang namatay.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?