61
electrician-gun
Jan 9, 2018 @ 19:30
By

Electrician binoga sa tindahan

Patay ang isang lalaking electrician nang walang habas na pagbabarilin sa ulo ng isang hindi pa nakikilalang gunman sa Caloocan City kamakalawa ng hapon.

Sa ulat ni PO1 Jimmy Martesano, ng Caloocan City Police Community Precint IV, alas-4:30 ng hapon naganap ang insidente sa isang tindahan na matatagpuan sa kahabaan Macabud Street, Barangay 179, Amparo, ng nasabing lungsod.

May binibili ang biktimang si Walter Guiuen Rivera, 46-anyos, may asawa, sa tindahan ng kapitbahay na si Lorie Revaca nang dumating ang isang hindi pa nakikilalang lalaki na armado ng hindi pa batid na kalibre ng baril at pinutukan sa ulo ang nakatalikod na si Rivera.

Pinutukan muli ng suspek ang biktima bago tumakas sakay ng itim na motorsiklong walang plaka.

Isinugod ng kanyang mga kapitbahay at kaanak ang biktima sa Dr. Jose Reyes Memorial Hospital ngunit hindi na pinalad pang mabuhay.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?