25

Apr 23, 2020 @ 15:27
By

Electric gun gagamitin ng MPD sa hard lockdown sa Sampaloc

Hindi baril na may bala kundi ‘electric gun’ ang gagamitin ng Manila Police District (MPD) panlaban sa masasamang elemento na lalaban sa mga pulis sa panahon ng 48-oras hard lockdown na ipatutupas mamayang alas-otso ng gabi sa Sampaloc, Maynila.

Ito ang inihayag ni MPD Director Police Brigadier General Rolando Miranda kung saan tatlong electric gun ang ipinagamit niya sa ilang kasamahang opisyal na maaari nilang magamit sa kagipitan kung kinakailangan.

“Walang dalang baril ang mga pulis o yantok meron kami dito electric gun kukuryentihin sila, masakit din ito pero ‘di naman nakakamatay,” ayon kay Miranda.

Saad pa ni Miranda, nakahanda na ang puwersa ng MPD para sa hard lockdown.

Ang mga kasama niyang magbabantay ay mga sundalo na ilalagay sa permiter, pulis, barangay chairman, secretary at treasurer lamang.

Hindi umano sila gagamit ng mga Barangay Tanod at mga volunteer sa pagbabantay.

Dalawang araw umanong mananatili sa loob ng kanilang bahay ang mga tao.

Nabatid na alas-singko ng hapon nang simulan ng MPD ang pagpapakalat ng mga tauhan sa Sampaloc District.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?