dino1
By

Elections hotspots, dodoble bago mag-eleksiyon – DILG

Sharing is caring!

Dodoble pa ang election hotspots ilang araw bago sumapit ang May 14 Barangay at Sangunian Kabataan elections, ayon kay Department of Interior and Local Government (DILG) Undersecretary Martin Diño.

Batay sa huling datos ng Philippine National Police , may 7915 hotspots na naitala sa buong bansa, kung saan 619 ang “red level” 4,972 ang “orange level” at 2,325 ang “yellow level”

Sinabi ni Diño na maaring dumoble ito dahil sa panghihimasok ng mga local politicians.

Dagdag pa nito, maraming natatanggap na reklamo ang DILG mula sa ilang mga lugar kung saan sinusuportahan ng mga mayor at congressman ang ilang mga kandidato sa mga baranggay.

Babala naman ni Diño ang mga nakaluklok na local government officials na bawal silang manghimasok sa barangay elections.

Umabot na rin sa 24 indibidwal ang namamatay sa 18 naitatalang suspected election related incidents at 2 validation election related incidents simula April 14 hanggang May 9, 2018.

Sa bilang ng mga nasawi 13 ay mga elected government officia, 3 ay kandidato, isa ay dating elective govt official, isa ay appointed government personnel at 6 na sibilyan.

Anim naman ang naitalang sugatan at 3 ang unharmed.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?