106

By

Election survey ng SWS, Pulse Asia pinatitigil ni Gadon

Naghain ng petisyon sa Commission on Elections (Comelec) si senatorial candidate Atty. Lorenzo Gadon laban sa mga election survey result na inilalabas ng SWS at Pulse Asia.

Sa kanyang 10-pahinang petisyon, hiniling ni Gadon sa Comelec na atasan ang dalawang survey firms na itigil ang paglalathala ng mga survey result kaugnay sa 2019 elections.

Nais ni Gadon na ipatigil ito ng poll body mula sa simula ng campaign period sa Pebrero 12 hanggang sa araw ng halalan sa Mayo.

Tinawag ni Gadon na bogus ang resulta ng mga election survey ng SWS at Pulse Asia.

Layunin aniya talaga ng mga nasabing survey partikular sa labanan sa pagka-senador na iligaw o kundisyunin ang isip ng mga botante.

Kuwestiyonable aniya ang kredibilidad ng survey results dahil ang bilang ng respondents ay nasa mahigit 1,000 lamang habang nasa mahigit 50 milyon ang mga rehistradong botante.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?