74

By

Election protest ni Eusebio vs Vico Sotto, binasura

Binasura ng Commission on Elections (Comelec) Second Division ang election protest na inihain ni dating Pasig Mayor Robert “Bobby” Eusebio laban kay incumbent Pasig City Mayor Vico Sotto.

Ani Comelec Spokesperson James Jimenez nitong Lunes, napagbotohan ng Second Division “unanimously” ang pagbasura sa protesta dahil sa pagiging “insufficient in form and substance.”

Nabigo umanong patunayan sa election protest na nagkaroon ng electoral frauds, anomalya, o iregularidad sa mga iprinotestang poll precinct.

Ayon sa protesta ni Eusebio, mayroong 29 clustered precincts ang wala sa statement of votes pero depensa ni Sotto, isang kaso lang ito ng “printing error”.

Si Sotto ang tumapos sa 37-taong pamamayagpag ng mga Eusebio sa lungsod matapos makakuha ng 209,370 boto laban sa 121,556 votes ni Eusebio noong May elections.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?