comelec3
By

Election period magtatapos mamayang hatinggabi – Comelec

Sharing is caring!

Magtatapos na ngayong araw na ito, Lunes ng hatinggabi, ang election period para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections na idinaos noong May 14, 2018.

Kaugnay nito, inanunsyo ng Commission on Elections (COMELEC) na salig sa kanilang Resolution No. 10197, ang pagbabawal sa pagdadala ng baril at patalim o suspensyon ng permit to carry firearms outside of residence ay babawiin na mamayang alas-12 ng hatinggabi.

Maging ang ipinatupad ding pagbabawal sa pagkuha ng mga security personnel o bodyguard ay hindi na rin ipatutupad simula mamayang hatinggabi.

Magtatapos na rin mamaya ang operasyon ng mga inilatag na COMELEC checkpoints.

Muli namang ipinaalala ng COMELEC sa lahat ng mga kumandidato, nanalo man o natalo, na kinakailangan silang magsumite ng Statement of Contributions and Expenses (SOCE) hanggang June 13, 2018.

Sa ilalim ng Republic Act 7166, sinumang nanalong kandidato ay hindi mauupo sa pwesto hanggang hindi nakakapaghain ng SOCE.

Ang mga natalo naman na hindi maghahain ng SOCE ay maaring madiskwalipika at hindi na payagang tumakbo ulit sa mga susunod na eleksyon.

“Further, the Commission sternly reminds all individuals who have filed a Certificate of Candidacy (COC) to file their Statement of Contributions and Expenses (SOCE) on or before June 13, 2018.

“Win or lose, all candidates must file SOCE within thirty (30) days after the day of the elections in accordance with Chapter IV, Section 16 to 18 of Resolution No. 10209,” saad ng COMELEC sa statement nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?