24

Nov 19, 2021 @ 18:08
By

Election officer tinaniman ng bala sa ulo

Kinondena ng Commission on Elections ang pagpatay sa isang acting election officer sa Barangay Somoge, Catarman, Northern Samar.

Ayon sa ulat, pauwi na sa kanyang bahay sakay ng motorsiklo ang biktimang si James Diaz Maghanoy, 42, election officer ng Lope de Vega municipality, nang barilin ng suspek pasado alas-5 ng hapon, Nov. 18.

Pumanaw ang biktima habang ginagamot sa Northern Samar Provincial Hospital.

Nagtamo si Maghanoy ng dalawang tama ng bala, isa ay sa kanyang ulo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?