crime-scene-dead-body
By

Election officer, patay sa pananambang sa Batangas

Sharing is caring!

Nasawi ang isang election officer na nakatalaga sa bayan ng Mabini matapos itong tambangan sa harapan ng isang shopping mall sa Barangay 4 sa bayan ng Bauan sa Batangas.

Sa ulat ng Batangas Police, pinagbabaril ng riding-in-tandem ang biktimang si Moel Miralles habang naghihintay ng kanyang masasakyan.

Sinabi ni Calabarzon Police spokesperson Supt. Chitadel Gaoiran, agad tumakas ang mga suspek patungo sa direksiyon ng San Pascual.

Dinala pa sa Bauan General Hospital si Miralles pero idineklara na itong dead-on-arrival.

Ayon naman kay Batangas Provincial election officer Gloria Petallo, 20 taon na sa Commission on Elections ang biktima.

Dati umano itong municipal election officer sa Bauan bago naitalaga sa Mabini. (Rick Villanueva)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?