15

Election officer inutas sa Batangas

Sharing is caring!

Isang election officer sa Bauan, Batangas ang binaril habang naghihintay ng dyip pauwi ng kanilang bahay, ayon sa report ng Unang Balita ng GMA 7.

Nakilala ang biktima na si Noel Miralles, na binaril ng dalawang lalaking sakay ng isang motorsiklo.

Isinugod pa sa ospital ang biktima subalit idineklara itong dead on arrival.

Sabi ng asawa ng biktima na si Jocelyn, wala umanong natanggap ng banta sa kanyang buhay ang kanyang mister bago ang insidente.

Nanawigan sa pulisya ang imbestigahang mabuti ang insidente. Wala umanong kaaway ang kanyang asawa.

Paniwala ng pulisya, posibleng may kinalaman sa kanyang trabaho ang dahilan ng pagkasawi ng biktima.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?