21

By

‘Election hot spots’ sa 2019, inililista na ng PNP

Sharing is caring!

Sinimulan na ng Philippine National Police (PNP) ang pagbalangkas sa listahan ng mga lugar na ituturing na ‘hot spots’ sa eleksyon sa susunod na taon.

Ayon kay PNP Chief Oscar Albayalde, may inisyal ng 7,926 barangay ng itinuturing na ‘areas of concern’ at ito ay base sa nakaraang barangay elections.

Aniya karamihan sa mga barangay ay nasa ARMM, Eastern at Central Visayas.

Sinabi pa ni Albayalde, bahagi ito ng kanilang paghahanda para sa seguridad sa gaganaping halalan sa darating na Mayo bunsod na rin ng mga kaso ng pagpatay sa mga lokal na opisyal.

Sa simula ng administrasyong Duterte, 11 mayor at anim na vice mayor na ang napapatay.

Ayon pa kay Albayalde, binabalak nila na bumuo ng special operations task groups para matukan ang mga banta ng kaguluhan at dayaan.

Sinimulan na rin ng PNP na kilalanin ang mga nasa kanilang hanay na may mga kadugo o malapit sa mga kakandidato sa halalan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?