24

Jan 9, 2022 @ 8:20
By

Election gun ban ipatutupad simula Enero 9 — NCRPO

Mahigpit na ipatutupad ang election gun ban sa Metro Manila simula Enero 9, ayon sa National Capital Region Police Office (NCRPO) nitong Sabado.

Naglabas kamakailan ang Comelec ng Resolution 10728 na nagbabawal sa mga hindi awtorisadong baril at bodyguard simula Enero 9 hanggang Hunyo 8.

Paliwanag ni NCRPO chief Police Major General Vicente Danao Jr., lahat ng uri ng baril na may lisensya at permit to carry ay hindi papayagang dalhin sa labas ng tirahan ng may-ari sa panahon ng pagpapatupad ng Election gun ban.

Nakasaad sa resolution, tanging ang Philippine National Police, Armed Forces of the Philippines, at Philippine Coast Guard at mga miyembro ng iba pang law enforcement agencies, ang exempted sa gun ban, basta kumuha sila ng authorization mula sa Comelec.

Samantala, sinabi ng PNP na pagtutuunan nila ng pansin ang Election gun ban para makasiguro na mapayapa ang eleksyon. (Sherrylou Nemis)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?