10

Jun 10, 2021 @ 16:52
By

Eleazar unang tuturukan sa PNP A4 category

Si Philippine National Police (PNP) chief Police General Guillermo Lorenzo Eleazar ang unang babakunahan sa pagsisimula ng pagbabakuna para sa A4 category sa hanay nila.

Ani Eleazar, hindi sila mamimili kung anong brand ang ituturok sa kanila at tiwala sa findings ng mga health expert na lahat ng brand ng bakuna ay ligtas at epektibo.

Kamakailan binalaan ni Eleazar ang mga pulis na huwag sumingit sa priority list ng bakuna dahil maging siya ay naghintay sa turukan sa A4 category.

Kasama raw niya ang mga miyembro ng Command Group sa babakunahan ng unang dose.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?