49

Nov 23, 2021 @ 16:28
By

Eleazar umalma sa pagbabalik ng death penalty

Hindi sang-ayon ang dating PNP chief at senatorial aspirant na si Guillermo Eleazar sa pagbabalik ng death penalty.

Sa panayam kay Eleazar sa Headstart, sinabi nito mas mainam pa rin na pagandahin ang criminial justice sa bansa.

“Unless we have a perfect system it’s better to acquit 10 guilty persons than to make suffer or convict one innocent man. Pinakamaganda pa rin pagandahin ang criminal justice natin,” pahayag ni Eleazar.

“Lagi nating nirerespeto ang buhay. I’m after maimprove ang criminal justice sa atin. Para sa atin ang mga criminal na nahuli agad, that is the best crime prevention,” dagdag pa nito.

Si Eleazar ay tatakbo sa ilalim ng slate ni presidential candidate Senator Panfilo Lacson at running mate na si Senate President Vicente “Tito” Sotto III.

Matatandaang binawi ng tambalan ang kanilang pagsuporta sa pagbabalik ng death penalty, umani naman ito ng papuri sa Commission on Human Rights. (Sherrylou Nemis)

Jak Roberto isiniwalat kung kailan siya na-inlab kay Barbie Forteza

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?