16

By

Eleazar tiwala: Mga baril ng pulis, ‘di seselyuhan

Sharing is caring!

Susundan ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Director Guillermo Eleazar ang sinumulang ng dating Philippine National Police (PNP) head na si Ronald ‘Bato’ dela Rosa na hindi lalagyan ng selyo ang mga baril ng pulisya sa parenting na Bagong Taon.

Sa panayam kay Eleazar sa dzBB, kanyang sinabi na dapat ay buo ang tiwala sa mga pulis kaya hindi magandang tingnan kung seselyuhan ang kanilang mga baril na senyales ng pagdududa.

“Hindi na lang seselyohan kasi parang mali eh. Parang umpisa pa lang, wala ka nang tiwala,” pakli ng NCRPO chief.

Wala din umanong break ang mga pulis sa New Year’s Eve para masiguro ang seguridad ng taumbayan, kahit ang mga pulis na nagbabakasyon sa Metro Manila ay ipagdu-duty rin bilang paghahanda sa Bagong Taon.

“Lahat ng pulis natin ngayong Bagong Taon, pati na rin ang mga pulis na naka-assign sa ibang lugar na nagbabakasyon sa Metro Manila, pagdating ng Dec. 31 ay magre-report po sa amin ‘yan at sila ay aming gagamitin para i-deploy sa aming kapaligiran upang kung may report ng indiscriminate firing kaming matanggap, mayroon agad na makapagre-react,” ani pa Eleazar.

Kanila ring babantayan ang mga baril na talamak tuwing Bagong Taon kaya’t itotodo ang police visibility sa Metro Manila para maiwasan ang pagpapaputok ng mga armas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?