15

May 15, 2021 @ 8:46
By

Eleazar sa publiko: Hindi alam ng COVID pagkakaiba ng ECQ, GCQ

Nagpaalala si Philippine National Police (PNP) chief Guillermo Eleazar sa mga Pilipino na hindi porke niluwagan ang quarantine restrictions ay tapos na ang COVID-19 pandemic.

Sa video na inilabas ng PNP noong Biyernes, Mayo 14, inulit ni Eleazar ang babala ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga taong nagdiriwang matapos ibalik sa general community quarantine status ang Metro Manila at karatig lalawigan.

“In downgrading the community quarantine status in NCR plus we would like to appeal — again, to the sense of maturity of our kababayans — that is to strictly observe the minimum safety protocols for their safety, and the safety of their family,” wika ni Eleazar.

“Tandaan natin na hindi alam ng COVID ang pagkakaiba ng ECQ, MECQ, GCQ, pati na rin itong GCQ with heightened restriction, pati na rin siyempre, itong MGCQ. Ang alam lang ng COVID, ay kapag nagdikit-dikit tayo at nagpabaya tayo, yari tayo,” dagdag niya.

“Hindi normal ngayon ang panahon dahil sa COVID, kaya ‘wag nating ibalik sa normal ang inuman, videoke, sayawan at magarbong handaan. Dahil kapag hindi tayo nag-ingat, malamang pati COVID, imbitado ninyo sa piyestahan sa inyo,” patuloy pa niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?