44

Jan 8, 2022 @ 16:00
By

Eleazar sa mga Marites: ‘Ipunin at ilagay sa granular lockdown!’

Nanggigil si dating PNP chief Guillermo Eleazar sa mga ‘Marites’ sa social media na nagpapakalat ng maling ulat na ilalagay umano ang bansa sa lockdown at martial law dahil sa pagtaas ng mga kaso ng COVID-19.

Ani Eleazar, na tumatakbong senador, bukod sa hindi nakakatulong ay nakakaperwisyo pa ang mga nagpapakalat ng maling balita.

“Itong mga Marites sa social media na nagpapakalat ng mga maling impormasyon tungkol sa COVID-19 ang dapat ma-i-lockdown. Hindi na nga nakakatulong, nakakaperwisyo pa… Dapat ipunin lahat ito at ilagay sa granular lockdown para sila-sila ang magtakutan at magbolahan,” saad ni Eleazar sa isang statement ngayong Sabado.

“By any means, it only adds to the anxiety of some and prolongs the agony of the public. It may also result in panic buying which is the least that we want to happen,” dagdag pa ng dating PNP chief.

Maging ang Palasyo ay itinanggi na ang mga kumakalat na balita tungkol sa pagpapatupad ng lockdown at martial law.

Iminungkahi na rin ni Eleazar sa Anti-Cybercrime group na imbestigahan ang mga social media account na pasimuno ng naturang tsismis.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?