10

Sep 15, 2020 @ 16:04
By

Eleazar: Prusisyon ng Nazareno sa pandemya, iniimbestigahan na

Tinututukan na ng Manila Police District (MPD) ang nangyaring prusisyon para sa Poong Itim na Nazareno nitong Lunes sa kabila ng pagbabawal sa mass gathering.

Ayon kay Joint Task Force Shield commander Lt. Gen. Guillermo Eleazar, sa oras na mapatunayang may sala ang mga nagsagawa ng naturang prusisyon ay kakasuhan ang mga ito.

“Base sa ating pagpanuntunan, nagko-conduct sila ng imbestigasyon at kagaya ng sinabi natin, upon investigation at kapag may nalamang paglabag e may appropriate action na gagawin,” lahad ni Eleazar sa dzBB.

“Kung makakakuha ng sapat na ebidensya depende sa resulta ng investigation pwede file-an ng kaso yung mananagot,” aniya pa.

Nangyari ang prusisyon nitong Lunes kung saan maraming katao ang nagtipon kahit pa mahigpit na pinagbabawal ang mass gathering, at limitadong bilang lang din ng tao ang pinapayagan sa mga religious activity.

“While it is true na maganda yung intention at nabanggit na nilagay sa karosa para iikot na lang pero ang nangyari siyempre kapag nilabas, magsusunuran ‘yan,” saad pa ni Eleazar.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?