177

Sep 19, 2021 @ 22:19
By

Eleazar hinihimok tumakbong senador

Kumakalat ngayon ay isang online signature campaign na nananawagan kay PNP chief Gen. Guillermo Eleazar na tumakbong senador sa 2022.

“SAPAGKAT ang pagkakatatag ng GENERAL GUILLERMO ELEAZAR FOR SENATOR MOVEMENT ay nabuo sa isang tapat at marubdob na hangaring ipaabot ang panawagan at tumaya ng mahalagang suporta kay PNP CHIEF GENERAL GUILLERMO ELEAZAR, para makiusap na gawing puhunan ang kanyang katangitanging liderato at malinis na pangalan upang kumandidato sa 2022 election bilang senador ng Republika,” saad sa website ng online signature campaign.

Nakasaad din dito ang ilang mga papuri kay Eleazar mula ng maupo ito bilang PNP chief.

At sa bandang ibaba ng website ay naroon ay kailangang fill-upan gaya ng pangalan, address at lagda.

Samantala, noong Hulyo ay sinabi ni Eleazar na gusto muna niyang isipin ang tungkulin sa PNP at ‘di pa pinapakinggan ang anomang panawagang tumakbo sa 2022.

Nakatakda siyang magretiro sa Nobyembre.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?