11

Jul 21, 2021 @ 15:51
By

Eleazar ‘di tatakbo sa Senado

Itinanggi ni PNP chief Gen. Guillermo Eleazar nitong Miyerkoles na may plano siyang tumakbo sa Senado sa 2022.

Ayon sa kanya, mas gusto niyang pagtuunan ng pansin ang kanyang gampanin sa PNP.

“I don’t want to be distracted, I don’t want to entertain these things,” wika ni Eleazar sa panayam ng ABS-CBN News Channel.

“Hayaan niyong magtrabaho ako, wag niyo pong kulayan yung ating ginagawang pagtatrabaho,” dagdag pa niya.

May ilang grupo umano na nagtutulak sa kanya na tumakbo sa Senado, lalo’t sa Nobyembre ay mag-56 anyos na si Eleazar, na siyang retirement age ng mga PNP chief.

Ngunit ayon kay Eleazar, pagkaraan ng termino bilang hepe ng kapulisan ay mas nais niyang magpahinga kasama ang pamilya.

“Hangad ko lang, pagkatapos ng aking trabaho, ay makapagpahinga, at makasama ang aking pamilya,” aniya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?