95

May 5, 2021 @ 18:08
By

Eleazar bagong PNP chief

Inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang appointment ni Police Lt. Gen. Guillermo Eleazar bilang susunod na hepe ng Philippine National Police (PNP), ayon kay Interior Sec. Eduardo Año ngayong Miyerkoles.

Para kay Año, “very qualified” bilang PNP chief si Eleazar.

“I welcome the appointment of PLt. Gen. Eleazer who is very qualified for the job,” aniya.

Sa pamamagitan daw ng isang resolusyon ng Napolcom, inirekomenda si Eleazar na maging susunod na PNP chief batay sa “seniority, merit, service reputation at competence to lead the police force”.

Papalitan ni Eleazar ang nakatakdang magretirong kasalukuyang hepe ng pambansang pulisya na si Police Gen. Debold Sinas sa Mayo 8, 2021.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?