130

Aug 3, 2021 @ 18:13
By

Eleazar: 5 pulis Nueva Ecija mabulok sa kulungan!

Nanggigil si Philippine National Police chief Guillermo Eleazar sa limang pulis Nueva Ecija at dalawang sibilyan na may kinalaman diumano sa pagdukot at pagsunog sa isang online seller.

Kinilala ni Eleazar, batay sa witness ng Anti-Kidnapping Group (AKG), ang mga pulis na suspek sa pag-kidnap at pagpatay kay online seller Nadia Casar na sina PSSg Benedict Matias Reyes, PSSg June Malillin, PCpl Julius Alcantara, PMsg. Rowen Martin at PSSg Drextemir Esmundo.

Ang dalawang sibilyang suspek naman ay sina Franklin Macapagal at Dario Robarios.

Nangako si Eleazar na tututukan niya ang kaso at mabubulok sa kulungan ang mga suspek na aniya’y “sagad sa buto ang kasamaan”.

“Ang mga ganitong utak kriminal at sagad sa buto ang kasamaan ay nababagay mabulok sa kulungan,” lahad ni Eleazar sa statement.

Lumabas sa inisyal na imbestigasyon ng AKG na dinukot si Casar at isang Grab driver ng limang lalaki noong July 20 sa Barangay Tagpos sa Sta. Rosa, Nueva Ecija.

Noong July 25 nahukay ang bangkay ni Casar sa Sitio Pinagpala, Palayan City, Nueva Ecija.

Naaresto na sina Reyes, Malillin, Alcantara at Robarios habang hinahanting pa sina Martin, Esmundo at Macapagal.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?