22

By

El Nido, pasok sa ‘best beaches in the world’

Sharing is caring!

Tunay na hindi kayang maipaliwanag ang nararamdaman kapag nakita ang ganda ng beach, lalo pa kung malaman mo na kasama ang nais mong destinasyon sa “Best Beaches in the World”.

Isa sa mga beach na napasama sa “14 Best Beaches in the World” ng TIME ay ang mga sumusunod:

1. Pompano Beach, Florida

Sikat ang Florida beaches dadil sa kanilang warm ocean waters, long stretches of golden sand, and tons of sunshine. Mas kilala din ito bilang “the Heart of the Gold Coast” dahil nasa gitna ito ng Atlantic Ocean.

2. Asbury Park, New Jersey

Pinasikat ito ni Bruce Springsteen dahil nai-feature ito sa isa niyang pelikula dahil sa ganda ng beaches at boardwalk kaya enjoy ang mga surfer sa pagdayo dito.

3. Sag Harbor, New York

Sikat ang lugar na ito sa family-owned groceries, antique stores and art galleries na makikita sa kalsada kaya naman enjoy ang shopping.

4. Long Beach, California

Kalapit nito ang sikat na Alamitos at Junipero beaches na malapit din sa mga hotels and restaurants sa downtown Long Beach. Enjoy ang mga turista at dayuhan na mamasyal sa lugar sakay ng maaarkilang mga bisikleta at makita ang tanawin sa beachfront bike trails.

5. Glen Arbor, Michigan

Handog ng Glen Arbor ang best of Northern Michigan kapag nakadalaw ka sa kanilang sikat na beaches ng Glen Lake at Sleeping Bear Bay.

6. Myrtle Beach, South Carolina

Kilala ito bilang sentro ng South Carolina’s Grand Strand, isang 60-mile long crescent-shaped stretch of beaches na malapit sa Atlantic Ocean.

7. Outer Banks, North Carolina

Hindi lamang beaches ang handog ng Outer Banks, mayroon din itong pasyalan sa Raleigh National Historic Site para malaman ang European settlers and Native Americans fared.

8. Bali, Indonesia

Kilala bilang tropical paradise, masasabing sulit ang pagpunta Bali lalo na kapag beaches ang darayuhin dahil tanyag dito ang big-wave surfing at beach parties.

9. Mallorca, Spain

Mainam na pasyalan ang Catedral de Mallorca at kumain sa Marc Fosh, isang Michelin-starred chef’s namesake restaurant.

10. Crete, Greece

Sa mahigit 3,200 square miles, Crete ang malaking isla ng Greece na taglay ang maraming historical sites, natural beauty, and outdoor attractions.

11. Jeju Island, South Korea

Kadalasang dinarayo ng mga South Koreans ang Jeju at kamakailan lamang natuklasan ang volcanic island at ang sikat na Jungmun Beach, maging ang malapulbos na white sands ng Hyeop-jae Beach.

12. El Nido, Philippines

Napapalibutan ng turquoise lagoons at limestone formations, ito ang ipinagmamalaki ng El Nido. Nasa mababang halaga lamang ang hotel rooms dito, maging ang flight prices ay sulit din.

13. Cozumel, Mexico

Kilala ang Cozumel ng mga mahihilig sa scuba diving dahil sa linaw nito mula 100 hanggang 200 feet.

14. The Azores, Portugal

Lugar ang Azores ng mga volcanic mountain peaks, whale watching, at 15th-century village architecture.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?