14

By

El Nido hindi kailangan isara – DENR Sec. Cimatu

Sharing is caring!

Sa El Nido sa Palawan naman nakatuon ang atensyon ngayon ng mga ahensiya ng gobyerno na nagsara at namuno sa rehabilitasyon ng isla ng Boracay.

Ayon kay Department of Environment and Natural Resources (DENR) Sec. Roy Cimatu maaaring sa susunod na mga buwan ay sisimulan na rin ang pagsasa-ayos ng El Nido.

Ngunit paglilinaw nito, hindi kailangan na isara pa ang El Nido tulad ng ginawa sa Boracay, ngunit ayon sa kalihim maaaring limitahan ang bilang ng mga turista na nagpupunta sa El Nido.

Ibinahagi nito na 22 establisimyento sa El Nido ang isinara na at may 50 iba pa ang kanilang binabantayan dahil sa mga posibleng paglabag sa mga batas na nagbibigay proteksyon sa kalikasan.

Sinabi pa ni Cimatu na nakipag-usap na sila sa mga lokal na opisyal para sa ikakasang planong rehabilitasyon.

Aniya wala pa silang nagagawang pinal na rekomendasyon kay Pangulong Duterte.

Samantala, sinabi ni Henry Adornado, regional director ng DENR – Mimaropa, kadalasan ang mga basura na inaanod sa El Nido ay mula sa ibang bansa base sa mga ‘marking’.

Sinabi pa ni Adornado na 70 porsiyento ng mga basura sa isla ay mga plastic bottle.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?