48

Nov 18, 2021 @ 15:53
By

‘El Granada’ sasabak na rin sa politika

Hindi magpapahuli si Gary ‘El Granada’ David sa mga basketbolistang magtatangkang pasukin ang mundo ng politika sa 2022 elections.

Ayon sa ulat ng Spin.ph, si David ay tatakbong konsehal sa kanyang hometown na Dinalupihan, Bataan.

Masalimuot na nagtapos ang PBA career ni David kung saan hindi siya nanalo ng kampeonato sa halos 13 taon sa liga.

Gayunman, siya ay four-time PBA scoring champion at one-time Best Player of the Conference.

Matatandaang bukod kay David, sasabak rin si James Yap para maging konsehal ng San Juan City.

Ngunit ‘di gaya ni David, aktibo pa sa PBA si Yap at naghain lamang ng leave of absence na pinayagan naman ng Rain or Shine.

Bukod sa kanila, ang ilan pang PBA great na sasalang sa politika ay sina Rey Evangelista, Ato Agustin, Eddie Laure at Alvin Patrimonio.

Samantala, hindi baguhan at muling tatakbo sa 2022 sina Franz Pumaren, Vergel Meneses, Paul Artadi at Dondon Hontiveros.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?