24

By ,

‘El Granada’ David sumasabog pa sa Bataan

Sharing is caring!

Magkasosyo sa 7-1 karta ang Bataan Risers at San Juan Knights sa Northern Division ng MPBL Datu Cup matapos pataubin ang kani-kanilang kalaban, Miyerkoles ng gabi (Setyembre 12) sa People’s Center sa Balanga.

Naalapasan ng Risers ang pahirap na ginawa sa kanila ng Valenzuela Classics, 59-55, sa tulong ng mga dating professional na sina Gary David, Byron Villarias at Pamboy Raymundo.

Pumoste si David at Villarias ng tig-16 puntos habang 13 puntos naman ang inambag ni Raymundo kasama na ang dalawang crucial shot nito sa huling 1:37 minuto ng laro.

Agad bumawi si Floyd Dedicatoria ng Valenzuela pero sinagot naman ito ng isang layup ni Villarias sa huling 1:05 ng laro.

Ito na ang ikaanim na talo ng Classic sa walong laro nito sa liga.

Bagama’t nanalo ay inamin ni Risers head coach Jojo Lastimosa na hindi siya masaya sa laro na pinakita ng kanyang tropa.

“We turned the ball over so many times in the first half and those turnovers were unforced turnovers. We have nobody to blame but us,” saad ni Lastimosa.

Sa ibang laro, hindi naging mahirap para sa Knights na pasukuin ang Pasig Pirates, 87-60, para masikwat nito ang ikalawang sunod na panalo nito matapos matalo sa Muntinlupa.

Naging pamato ng Knights ang dating PBA player na si Mac Cardona na kumubra ng 15 puntos at siyam na rebounds.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?