11

Jan 13, 2021 @ 18:39
By

Ekta-ektaryang taniman ng sibuyas sa Pangasinan sinalakay ng ‘armyworm’

Nagpasaklolo na ang mga magsasaka ng sibuyas sa Bayambang, Pangasinan sa Department of Agriculture (DA) upang mapuksa ang mga armyworm o harabas na namemeste sa kanilang pananim.

Ayon sa magsasakang si Dean Roque sa ulat, malaki na ang nagagastos nila sa mga pesticides pero hirap pa rin silang mapuksa ang mga armyworm.

Kaya naman nanawagan sila sa DA na magpadala ng mga siyentista o dalubhasa na makakatulong mapuksa ang mga armyworm.

Sa ngayon ay 700 ektarya na ng onion farm ang nasira ng mga armyworm, ayon kay Mayor Cesar Quiambao.

Dagdag niya, isang kinatawan ng DA ang nag-inspeksyon na sa mga apektadong bukirin at namigay ng libreng pesticides sa mga magsisibuyas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?