14

Jun 17, 2021 @ 16:24
By

Eksperto: 10 araw quarantine, epektibo vs mga COVID variant

Suportado ng isang eksperto mula sa OCTA Research Group ang pagsasailalim sa mga byaherong dumadating sa NCR at Cebu mula sa ibang bansa sa 10 araw na quarantine.

Ayon kay Fr. Nicanor Austriaco nitong Huwebes, ang quarantine ay makakatulong upang maiwasan ang pagkalat ng ibang variant ng COVID-19, lalo na ang mga mas mabilis maipasang klase nito.

“I would like to support the science in enforcing a 10-day quarantine for international travel in NCR and Cebu,” wika ni Austriaco.

“Why? Because science shows that this quarantine is 99.7% effective at preventing variants from entering,” dagdag pa ng eksperto.

Hindi rin siya sang-ayon na iklian ang quarantine dahil hindi umano nito masisiguro na hindi nga makakapasok ang mga variant.

“I know there is a debate in our country on shortening the quarantine but there is no scientific evidence that a seven-day quarantine would protect us enough from the variant and if it enters Cebu, it will enter the entire country. It will be catastrophic and we will get another surge and it destroys Christmas this year,” aniya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?