33

By

Ekonomiya ng PH babawi ngayong taon – Gatchalian

Bagama’t bahagyang bumagal ang gross domestic product (GDP) growth ng Pilipinas noong 2019, kumpiyansa naman si Senador Win Gatchalian na makakabawi ang ekonomiya ng bansa ngayong 2020.

“Even if the country’s economy grew in the last quarter last year, the budget impasse at the start of 2019 delayed the implementation of the country’s vital infrastructure projects,” pahayag ni Gatchalian sa isang statement.

Batay sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), bumaba ang ekonomiya ng Pilipinas sa 5.9 porsiyento noong 2019, mas mababa sa target ng gobyerno na 6 hanggang 6.5% porsiyento.

“Despite this, I’m optimistic that our economy will be able to bounce back this year, supported by the timely approval of the 2020 budget,” dagdag pa nito.

Dahil maagang naipasa ang 2020 budget, sabi ni Gatchalian, makakaasa ang publiko na mas mabilis at nasa tamang oras ang pagsisimula ngayong taon ng iba’t ibang proyektong pang-imprastraktura na maaaring magresulta ng dagdag trabaho para sa mga kababayan.

Bukod diyan, magkakaroon din ng mas mabuting serbisyo publiko mula sa ating gobyerno at mas mabilis na paglabas ng ayuda gaya na lamang ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program at Unconditional Cash Transfer Program.

“Moving forward, there is a need to manage the inflation rate as we closely monitor the development in the international oil market which can put pressure on the prices of local commodities,” sabi ni Gatchalian.

“Our economic managers must also remain vigilant against external and internal, natural and man-made risks that may affect the momentum of our economic growth, such as the case of the Taal Volcano eruption, which can negatively impact the manufacturing and agriculture sectors,” sambit pa nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?