16
views
pernia
By

Ekonomiya ng bansa sisipa ng 8% ngayong taon – Pernia

Sharing is caring!

Tiyak umanong bibilis ng 7% hanggang 8% ang pag-unlad ng ekonomiya ng bansa umpisa ngayong taon.

Sa economic forum sa Clark, Pampanga, sinabi ni Socioeconomic Planning Secretary Ernesto Pernia na maituturing ito na Goldilocks period ng ekonomiya ng bansa.

Malalagpasan umano ang tantiya ng World Bank na 6.7 % na economic grown at bukod na tantiya ng Asian Development Bank na 6.8 %.

Sa www.investopedia.com, ang Goldilocks Economy ay paglalarawan sa ekonomiya na maayos ang takbo, mababa ang bilang ng walang tabaho, mataas ang halaga ng stocks at real estate, mababa ang interest rate at matatag ang paglago ng gross domestic product (GDP).

Ayon kay Pernia, masigla ang ekonomiya dahil sa tax reform, pagpapabilis ng proseso sa pagbubukas ng negosyo, pagputol sa red tape at pagluluwag sa pagpasok ng mga foreign investment.

Maaari rin umanong umabot sa $12 bilyon ang halaga ng foreign direct investment na papasok sa bansa ngayong taon. Mas mataas ito sa $10 bilyon na pumasok noong 2017.

Masigla naman umano ang manufacturing sector at maraming infrastructure project na pasisinayaan sa mga lalawigan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?