65

Oct 27, 2017 @ 15:28

Ekonomiya nanamlay sa 2nd quarter ng taon

Mababa ang paglago ng ekonomiya ng bansa sa 2nd quarter ng taon kumpara sa katulad na panahon o bago pumasok ang administrasyong Duterte.

Ang naitalang domestic growth sa huling tatlong buwan ng panunungkulan ni dating Pangulong Noynoy Aquino ay 7.1 porsiyento.

Ngunit ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), ang naitalang domestic growth na 6.5 porsiyento sa katulad na panahon ay mataas pa rin sa naitalang 6.4 porsiyento noong unang tatlong buwan ng 2017.

Dagdag pa ng BSP, ang gross domestic product (GDP) growth sa unang bahagi ng taon ay 6.4 porsiyento na pasok pa rin sa 6.5-7.5 porsiyentong growth target range ng gobyerno ngayong 2017.

Ayon pa sa BSP, ang mababang paglago ng ekonomiya ay bunsod ng epekto ng nakaraang eleksiyon. (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?