447

Oct 9, 2021 @ 20:28
By

Ekis muna politika: Pacquiao dinamayan si Lacson

Nagpakita ng kagandahang-loob si Senador Manny Pacquiao nang damayan nito ang kalaban sa pagkapangulo na si Senador Panfilo Lacson na namatayan ng kapatid.

“Our deepest condolences in the passing of your Kuya. Please know that you and your family are included in our prayers,” mensahe ni Pacquiao sa Twitter para kay Lacson.

Pinasalamatan naman ni Lacson ang kapwa senador at katunggali.

“Thank you for the consoling words Idol,” tugon ni Lacson.

Nitong Sabado ay inanunsyo ni Lacson na yumao na ang nakakatanda niyang kapatid na si Reynaldo.

Si Lacson ay tatakbong pangulo sa ilalim ng Partido Reporma katambal si Senate President Tito Sotto, habang pagkapangulo rin ang habol ni Pacquiao ka-tandem si Lito Atienza.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?