56

Oct 17, 2017 @ 12:51

EJK, tanggap ng Pinoy? — Lacson

Nababahala si Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson sa resulta ng Pulse Asia survey na 73% ng mga Filipino ang naniniwalang may extrajudicial killing (EJK) subalit 88% pa rin ang sumusuporta sa war on drugs ng gobyerno.

“So it’s disturbing to some and maybe dangerous to many. Because if Filipinos feel resigned, na pwede na rin EJK just to solve the drug problem, then we must rethink our position,” saad ni Lacson.

Ipinaliwanag ni Lacson na lumalabas sa naturang survey na ayos na lang sa mga Pinoy na may mga EJKs sa kondisyong masolusyonan lang ang suliranin sa droga.

Naniniwala ang senador na sa mahabang panahon ay nasanay ang mga Pilipino sa magkakaparehong style ng pamamalakad sa gobyerno at ngayon lang nakaranas ng kakaibang uri ng pamumuno sa ilalim ng administrasyong Duterte.

Dahil aniya sa political will ng Pangulo, nahikayat ang publiko sa pagtanggap sa mga kampanya ng gobyerno kahit ano pa ang pamamaraan ng implementasyon nito.

“So when as I said earlier, kung 88 out of 100 Filipinos sinasabi we trust the government, and it’s also in a manner saying that they support the methods because they support the drug war being implemented by the government, especially by the PNP,” saad ni Lacson. (Dang Samson-Garcia)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?