96

Dec 2, 2017 @ 15:57
By

Ejercito umalma sa bantang ‘reenacted budget’ para sa 2018

Pumalag si Senador Joseph Victor “JV” Ejercito sa banta ng Mababang Kapulungan ng Kongreso na ipipilit pa rin nila ang kanilang bersiyon ng 2018 Proposed National Budget.

Sinabi ni Ejercito na umaasa siyang magkakasundo ang dalawang kapulungan dahil hindi maganda na magkaroon ng reenacted budget.

“Para sa akin, mas maganda yung budget na ipasa, hindi magandang tignan ang reenacted, mas maganda pag-usapan at hindi maganda yung may ganyan agad threat,” saad ni Ejercito.

Ipinaliwanag ni Ejercito na kung ang isyu ay ang pagtapyas ni Senador Panfilo Lacson sa budget ng Department of Public Works and Highways (DPWH), ay kailangan lamang naman nito ng malinaw na pag-uusap.

Tiniyak ni Ejercito na bukas ang pang-unawa ni Lacson subalit kailangang maipaliwanag maigi ng ahensya ang mga pinag-uukulan nito ng pondo.

“Yung kay Senador Lacson naman ang sinasabi niya kung ito ay maiaayos, ang right of way issues, wala namang problema. Ang sabi nya ba’t natin popondohan kung hindi pa maayos ang isyu, yun yung kanya. Ang sabi naman nya kung ma-confirm ng DPWH na ito ay maayos na wala naman daw problema,” paliwanag ni Ejercito.

Nauna rito, nagbabala si Speaker Pantaleon Alvarez nag magkakaroon ng reeancted budget sa Enero kung igiit ng Senado na tanggalin ang P50-B nsa panukalang 2018 national budget.

Muli nitong iginiit na kanilang ipaglalaban ang kanilang bersiyon ng pambabsang pondo sa bicameral conference committee.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?