By

Ejercito sa gobyerno: Magbuo ng Task Force Dengvaxia

Sharing is caring!

Hinimok ni Senador Joseph Victor Ejercito ang Palasyo na bumuo ng isang task force na magsasagawa ng komprehensibong imbestigasyon ukol sa kontrobersyal na bakuna laban sa dengue na Dengvaxia.

Inirekomenda na magtatag ang Task Force on Dengvaxia ng mga kinatawan ng Department of Health (DOH), World Health Organization (WHO), Philippine Medical Association (PMA), medical societies, academe at mga kilalang medial at health expert.

“I am proposing the creation of a task force that will conduct a thorough, comprehensive, and all angle investigation on the dengue vaccine,” ayon kay Ejercito.

Una nang inihain ni Ejercito ang Senate Resolution 557 kung saan layong imbestigahan ng Senado ang dengue immunization program ng DOH kasunod ng pag-amin ng Sanofi Pasteur, ang gumawa ng bakuna, na maaring makasama ang Dengvaxia sa hindi pa nagkaka-dengue.

Bilang chairman ng committee on health, sa Enero pa niya gustong magpatawag ng pagdinig pero uunahan na ni Senate Blue Ribbon committee chairman Senador Richard Gordon sa Lunes.

Ayon kay Ejercito, parating ang mga opisyal ng WHO sa Disyembre 12 at 13 at nais niyang marinig muna ang mga ito bago magpatawag ng Senate hearing.

“I believe that the observation and analysis of the WHO officials plus the report and recommendation of the task force that I have proposed to be created will give me a wider grasp and understanding of the problem which will help me a lot in my inquiry,” ayon sa senador.

Habang may mga imbestigasyon, iginiit ni Ejercito sa DOH na subaybayan na ang mga bata na nabakunahan at tutukan ang mga batang nabigyan nito kahit hindi pa nagkaka-dengue kahit minsan.

“The DOH should also verify reports of deaths which are being connected by some to Dengvaxia vaccine. What’s the real cause of the deaths?,” dagdag nito. (Isaac Mendez)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?