24

Jul 30, 2018 @ 18:38
By

Ejercito sa BOC, DA: Tugisin ang mga agricultural smuggler

Nanawagan si Senador JV Ejercito sa Bureau of Customs at Department of Agriculture na magsanib-puwersa para madakip at makulong ang mganagpupuslit ng mga produktong pang-agrikultura kasama na ang mga protektor ng mga ito sa gobyerno.

“I think we need to send a strong signal to the smugglers that we are not soft on them and we are determined to haul them off to jail,” sabi ni Ejercito.

Sa ilalim ng Republic Act 1085, o anti-agricultural smuggling law, kung saan author si Ejercito, ang large-scale agricultural smuggling ay idinekalrang isang uri ng pagsabotahe sa ekonomiya ay may kaparusahang habambuhay na pagkabilanggo.

“Itong mga smuggler na ito ay hindi natatakot dahil wala naman silang nakikitang nakukulong. I myself is puzzled why until now, or two years after the enactment of the measure, not a single agricultural smuggler is in prison. Hindi ko alam, baka mayroon na pero hindi ko lang nabalitaan,” sabi ni Ejercito.

“While we are tightening our ports to prevent the entry of smuggled products, we also need to clamp down on smugglers by arresting them, prosecuting them, and putting them inside prison cells.

This is even more urgent now as we expect a massive smuggling of agricultural products because of the unabated spike of prices of prime household commodities,” dagdag pa nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?