47
Batas na makatutulong sa mga mahihirap, nilagdaan na ni Duterte
By

Ejercito pampuno kapag may bakante sa gabinete – Duterte

Nagpahiging si Pangulong Rodrigo Duterte na bibigyan niya ng puwesto sa gobyerno ang natalong senatorial re-electionist na si JV Ejercito.

Si Ejercito ay kasama sa tatlong araw na biyahe ng Pangulo sa Tokyo,Japan.

Sinabi ng Presidente sa pagharap nito sa Filipino Community sa Palace Hotel na nanghihinayang siya kay Ejercito matapos mabigong makakuha muli ng puwesto sa senado.

Pero bata pa naman aniya ang talunang senador at kapag may bakante sa gabinete ay posibleng mabigyan ito ng puwesto.

“Nanghinayang ako kay JV, well anyway you are still young, Cabinet naman ‘yan kung may bakante,” anang Pangulo.

Si Ejercito ay kasama sa mga inendorso ni Pangulong Duterte noong panahon ng kampanya kung saan ibinida pa ang mga batas na naipasa ng dating senador, subalit hindi pinalad na makabalik sa Senado.

Iniulat din ni Pangulong Duterte sa mga Pilipino sa Japan na maraming mga bagong alkalde at mga mambabatas sa pagpasok ng 18th Congress dahil ang mga tradisyunal na pulitiko ay nawalis nitong katatapos na eleksiyon.

“Maraming bagong nanalo. Yung mga traditional warlords, tumba!,”dagdag pa ng Pangulo.

Mayroong isang taon ban para sa mga natalong kandidato bago makaupo sa ano mang posisyon sa pamahalaan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?