90

Dec 21, 2019 @ 15:54
By

Ejercito: Mas mabuti ang Angkas kaysa bumalik sa habal-habal

Nakiisa si dating senador JV Ejercito sa panawagan na #SaveAngkas.

Sa kanyang tweet nitong Dec. 21, kinuwestiyon ni Ejercito ang pagbawas sa mga Angkas rider.

Paano na aniya ang mga mawawalan ng trabaho dahil dito.

Mas mabuti pa raw ang Angkas system kaysa naman bumalik ang mga rider sa iligal na habal-habal.

“Bakit kailangan bawasan ng 17k ang existing Angkas Riders? Paano na mga mawawalan ng trabaho? Mas mabuti na nasa Angkas system kaysa bumalik sila sa illegal na habal-habal,” tweet ni Ejercito.

Matatandaang mula sa 27,00 na registered biker, nilimitahan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board sa 10,000 na lang ang puwedeng bumiyaheng Angkas driver.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?