293

Jul 7, 2020 @ 10:02
By

Ejercito kay Remulla: ‘Wag kang pa-victim!

Nagalit na si Jake Ejercito sa ilang mambabatas na mistulang allergic sa kritisismo.

Kahapon sa Twitter, hinayag niya na dapat tigilan na ng mga mambabatas ang pagpapanggap na biktima, at manilbihan na bilang tunay na kinatawan ng taumbayan.

“These congressmen are seriously asking the people to stop criticizing them?? You are there precisely because of the people and supposedly for the people!” bulalas ni Ejercito, isa sa mga anak ni dating Pangulong Erap Estrada.

“Stop playing the victim and be genuine representatives instead,” aniya pa.

Binanggit ito ni Jake matapos magreklamo si Cavite Rep. Jesus Crispin Remulla ng umano’y cyberbullying sa kasagsagan ng pagdinig sa ABS-CBN franchise renewal.

Ayon kay Remulla, binanggit niya na sa National Bureau of Investigation na meron umanong mga bayarang troll na binu-bully ang mga kongresista.

Matatandaang binatikos ang Cavite Rep. matapos niyang dedmahin ang pambansang awit na “Lupang Hinirang” bago magsimula ang ikawalong pagdinig ng Kamara sa prangkisa ng Kapamilya network.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?