68

Jun 21, 2021 @ 19:07
By

Ejercito, Honasan muling tatakbo sa Senado – Sotto

Plano nina dating senador JV Ejercito at ni Information and Communication Technology Secretary Gregorio “Gringo” Honasan na muling tumakbo sa pagka-senador sa 2022 election sa ilalim ng Nationalist People’s Coalition (NPC), ayon kay Senate President Vicente Sotto III.

“I think so, as of now, that’s what I heard,” pahayag ni Sotto nang tanungin kung kasama ba sa senatorial ticket ng NPC sina Ejercito at Honasan.

Nang hingan ng reaksyon si Ejercito, sinabi nitong, “[I]Wanted to run, because of my advocacy and unfinished business, and if funds are permitting. Because I was not prepared to run 2 consecutive national elections.”

“I wanted to continue what I have started. Want to oversee that the implementation of the landmark laws which I have passed like Universal Healthcare Law and creation of the Department of Human Settlements are given priority and implemented properly,” dagdag pa nito.

Matatandaan na naapektuhan ang reelection bid ni Ejercito noong 2019 election nang tumakbo rin ang half-brother niyang si dating senador Jinggoy Estrada. Nagtapos si Ejercito na pang-13 habang pang-15 naman si Jinggoy.

Samantala, sinubukan ng Abante na hingan ng komento si Honasan subalit hindi ito sumagot.

Si Honasan ay kilala bilang independent candidate sapul pa noong unang tumakbo ito sa pagka-senador noong 1995. Bagama’t walang partido, ina-adopt naman si Honasan ng iba’t ibang partido partikular ng NPC.

Kasama si Honasan sa orihinal na ‘macho bloc’ ng Senado na kinabibilangan ng kanyang kaibigan na si Sotto, ang acting chairman ng NPC at Sen. Panfilo Lacson.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?