22

Jan 11, 2021 @ 12:42
By

Ejected! Morris, Cousins nagkainitan sa court

First quarter pa lang, nagbalyahan na sina Markieff Morris at DeMarcus Cousins sa laban ng Los Angeles Lakers at Houston Rockets.

Nangyari ito matapos banggain ni Morris si Rockets guard Jae’Sean Tate na kinatumba nito.

Ginanti naman ni Cousins ang kanyang teammate at inararo si Morris, dahilan para ito naman ang mapahiga sa hardcourt.

Hindi ito nagustuhan ni Morris at dito na sinugod si Cousins kahit hanggang bench nito ay nagpapatsudahan ang dalawa.

Hinatulan ng technical foul sina Morris at Cousins, habang nakatanggap pa ng flagrant foul penalty 1 ang Lakers forward dahilan para mapatalsik ito sa court.

2nd quarter naman, na-eject din si Cousins matapos niyang mahampas sa ulo si LeBron James, na tinawagan ng flagrant foul penalty 2.

Sa naturang salpukan, wagi ang Lakers, 120-102, kumolekta si James ng 18 points at tig-pitong rebounds at assists.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?